Publiko binalaan sa PhilHealth ID replacement scam

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko laban sa kumakalat na text message na nagsasabing kailangang palitan ang PhilHealth ID card sa pamamagitan ng pag-click sa isang ipinadalang link.
Mariing nilinaw ng PhilHealth na peke ang naturang mensahe at wala itong anumang proseso ng pagpapalit ng ID na isinasagawa sa pamamagitan ng text message o online links.
Ayon sa ahensya, hindi kailanman nagpapadala ang PhilHealth ng mga text message na may kasamang link, humihingi ng password, one-time password (OTP), bank o e-wallet details, o naniningil ng anumang bayarin.
Hinimok ng PhilHealth ang publiko na agad ireport ang mga kahina-hinalang mensahe sa PhilHealth Action Center sa pamamagitan ng email na [email protected], Facebook page na @PhilHealthOfficial, landline na (02) 8662-2588, o sa mga opisyal nitong hotline numbers.
- Latest

















