^

Entertainment

'Bahay Kubo: Transplanted'

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Binida ko ang okra noong isang Linggo

Sapagkat isa s’ya sa aking paborito

Sa ilan lang na gulay na kinakain ko,

Sa katunayan ay may bagong Bahay Kubo.

Sa kadahilanang hindi nasama ito

Sa unang mga titik ng gumawa nito,

Sa aking tinanim ay natuwa lang ako

Nang mabanggit halos lahat at makumpleto.

Ang aking paumanhin sa sumulat nito

Na hanggang ngayo’y may debate pa kung sino,

Tingin ng marami ay si Levi Celerio

Ngunit wari bang hindi sila sigurado.

Gayunpaman nakikiraan lingkod ninyo,

Pasintabi sa tunay na lumikha nito,

Hangarin ko lang po na magturo ng bago

Ukol sa halaman sa batang Pilipino.

Sa mga aawit ay yaon din ang tono,

May ulit nga lang nang magkasya mga ito,

Harinawang sa dagdag madagdagan din kayo

Ng kalusugan sa katawan at isip n’yo.

H?H?H?H?H

‘Bahay Kubo’

(Ikalawang Bahagi)

I

Sa Bahay Kubo, ay kakaunti

May halamang doon ay hindi napili

Narito na ngayon

Ang iba pang uri

Ikalawang Bahagi

II

Litsugas, patatas

Saluyot, ampalaya

Kangkong at malunggay

Repolyo at okra

III

Talbos ng kamote

Pako at tsitsaro

Sampalok, sayote

Apulid, pipino

(Repeat tune of II)

May langka at sili

May puso ng saging

Merong abitswelas

Gabi na pang-laing

(Repeat tune of III)

Kamote at kintsay

Toge’t alugbati

Paborito ko ay

Petsay na kay puti

CODA

At ‘yan ang gusto ko

Petsay lang palagi

CODA

Basta merong petsay

Maganda ang ngiti.

H?H?H?H?H

Kung mapapansing may ilan pang naglalaho,

Karamihan dito’y walang Tagalog pa po,

May sa cauliflower pero medyo mabaho,

Eh… “almuranas” daw… ngek! Ipagpatawad po.

Marami pang walang salin ngunit pangako

Sa Ikatlong Bahagi ‘di na itatago —

Broccoli, carrot, spinach at asparagus po,

Pati artichoke sa Tagalog iluluto.

Pero alam ba n’yong apat sa sikat dito

Prutas talaga’t tanggap na gulay lang n’yo?

Kung kaya pala sila lahat ay mabuto —

Kamatis, kalabasa, sili at pipino!

At baka makatulong sa pagdududa n’yo

Kung sumulat nga nito’y si Levi Celerio —

Bakit ang “kintsay” wala dun sa Bahay Kubo?

‘Di ba “celery” ‘yon katunog ng Celerio?

Hanggang ngayo’y munti pa rin ang Bahay Kubo,

Ngunit mga tanim marami nang totoo,

Aanhin mo ang palasyong gawa sa bato

Kung wala kang awit at bato rin puso mo?

vuukle comment

AANHIN

APULID

BAHAY KUBO

BAKIT

IKALAWANG BAHAGI

LEVI CELERIO

NGUNIT

SA BAHAY KUBO

SA IKATLONG BAHAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with