^

Entertainment

'Water I Like It Or Not' (Tubig Or Not Tubig)

ME, STARZAN - Joey de Leon -

May ugali tayong ‘di maipaliwanag,

‘Yon bang sa ilang bagay kung ayaw o payag,

‘Yon bang tila nais managinip magdamag,

Subalit ‘di naman mahilig magtutulog!

Katulad ko na lang na madaling malula,

Pag sa mataas na’y parang nababahala,

Ngunit pa’no mo naman maipagtatama

Kung eroplano’y ginagawang bahay yata?

Mahilig din bang sumakay sa mga cruise ships;

Tumawid ng dagat — Pacific o Atlantic,

Hindi nag-aalalang magkalintik-lintik,

Pero kaya lang ‘di ako mahilig sa beach!

Medyo ang pananaw ko ay may kaguluhan

Pagdating ba sa tubig ang pag-uusapan,

Inaabot nga nang linggo sa karagatan,

Ngunit ang maligo’t mag-beach no puede ‘igan.

Tatlong beses na po kasi akong nalunod,

Kaya nga marahil natakot nang lumublob,

Sa swimming pool nga namin malakas lang loob

Kasi may salbabida sa ‘king nakasuklob!

Ngek! Pero pwede namang palakad-lakad lang

Sa tabi ‘yan ng dagat sa may buhanginan,

Yaon bang magpahangin at maglitratuhan,

Magnilay-nilay sandali’t hanggang dun lamang.

Ilang dalampasigan na rin napuntahan

Sa buong daigdig at meron pa ngang ilan

Na may mga babaing nagtitiwangwangan

Sa ilalim ng araw at nakahubad lang.

At dito ko rin natutunan at nalaman

For every Hope In A Bottle you buy, 100 percent of Friends of Hope, Inc. profits go to building much-needed public school classrooms. Let’s drink to that! 

Ang isang babae kung ilang taong gulang

Sa pamamagitan ng pagtingin-tingin lang —

Pag nakataob, bata ... pag tihaya, gurang!

Ngunit ‘yang mga nakahubad gayunpaman

Ay hindi batu-balani upang lapitan

At puntahan ko tubig na iniiwasan

At tuluyan na ngang makipagsapalaran.

Tatlong pagkalunod kung aking babalikan,

Una ay laruan ko lamang ang dahilan,

Inanod sa tubig nang ako’y paslit pa lang,

Akin ngang hinabol hanggang kailaliman.

At nang magbinatilyo naman sa Bulacan,

Ito nama’y nangyari sa Barrio Sabitan

Sa Malolos isa yatang palaisdaan,

Dahilan naman nito’y munting kayabangan.

Pagkat isang bagong kalaro ko’y nagtanong

Kung ako’y marunong lumangoy at tumalon,

Para ‘di mapahiya ako ay umayon,

Sa burak sa ilalim ulo ko’y bumaon!

At mga paa ko na lang daw nakalabas;

Pumipiglas pagkat ako’y ‘di makaalpas,

At mga apat na araw na nakalipas,

Maitim pa rin ang sa aki’y lumalabas!

At sa pangatlo’y akin na ring kasalanan,

Ito’y dala na rin ng aking kalokohan,

Nangyari sa taping ng Wow, Mali! nang minsang

Itulak ko sa pool isang baklang beautician.

Sa pagkahulog n’ya ako ay nakapitan

At kamiseta ko ay ‘di n’ya binitiwan,

Bruha ay marunong lumangoy pala naman,

Ako’y hindi at akin ‘yung nakalimutan!

Pero alam ko na ‘yang nasa isip ninyo —

Na bibihirang maligo ako siguro,

Of course not doughnut! ‘Yan pa’y one of the reasons ko

Na mag-viaje ... nice maligo sa ibang banyo!

Pero kung tutuusi’y talagang magulo,

Palibhasa’y suhi nang ipanganak ako,

‘Di na ‘ko nagbi-briefs, boxers o karsonsilyo,

‘Di nga nagsu-swimming pero trunks ang gamit ko!

***

Ngunit kung sa pag-inom ng tubig tanong n’yo,

Meron na ako ngayong bagong-bagong gusto,

Ito’y ang Hope In A Bottle at bakit ‘kanyo?

Pagkat bawat inom makakatulong kayo.

Bawat Hope In A Bottle na iinumin n’yo,

Ang one hundred percent na kikitain nito,

Para tulong sa pagpapatayo ng kwarto

Ng mga public schools na pinanggalingan ko.

Drink Hope to give hope.

vuukle comment

AKO

BARRIO SABITAN

BAWAT HOPE IN A BOTTLE

HOPE IN A BOTTLE

LANG

LSQUO

NGUNIT

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with