^

Dr. Love

Hinagpis ng  isang ‘pangit’

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Adelaida, 25-anyos at wala pang asawa. Ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng boyfriend. Hindi ako pihikan pero isa lang ang dahilan kung bakit  walang nanligaw sa akin ni minsan sapul pa nang magdalaga ako. Isa akong pangit at tanggap ko na iyan. Mataba, duling, magas­pang ang mukha at maitim. Sino ang magkakagusto sa akin?

Full scholar ako nang maka-graduate sa isang pamantasan. Nagtapos ako ng Business Administration kaya ngayo’y matagumpay akong businesswoman. Engaged ako sa real estate business. Ang pinaka-inspirasyon ko lang ay ang pa­mangkin kong lalaki na pitong taong-gulang. Ako ang nagpapaaral sa kanya. Hindi mo naitatanong, namatay na two years ago ang aking mga magulang sa isang car accident.

Malungkot ang buhay ko. Medyo mari­wasa  nga pero pagdating sa lovelife ay zero. Kahit siguro ialok ko nang libre ang pagka­babae ko ay walang tatanggap na lalaki sa akin. Obvious ba? Kahit ako mismo’y nasu­suka kapag nakikita ko ang sarili ko sa salamin.

Kaya marahil masungit ako. Ayaw kong makipagkaibigan. May naririnig nga akong mga komento na pangit na raw ang itsura ko ay pangit pa rin ang ugali. Naiisip ko kung minsan na wakasan na ang aking buhay pero naiisip ko ang aking pamangkin. Isa siyang anak sa pagkadalaga ng aking pinsan. Ano ang dapat kong gawin?

Adelaida

Dear Adelaida,

Ang dapat mong gawin ay ipagpatuloy ang buhay. Kulang ka man sa kagan­dahang panlabas, sobra-sobra ang bless­ings mo sa Panginoong Diyos. Iyan ay dapat mong pasalamatan. Tandaan mo na walang pangit na ginawa ang Diyos. Ang kapangitan ay nasa paningin lang ng taong mapang­husga.

Ang panlabas na itsura ay kumukupas pero ang kagandahang loob ay isang katangiang tataglayin ng isang tao hanggang kamatayan. At kahit yumao na ang isang ma­bu­ting tao, ang magagandang alaala niya’y di-mabubura sa isip ng mga taong tinulu­ngan niya.

Hindi lang sa romantic love nabubuhay ang tao. Pinakamasarap na pag-ibig yung tumutulong ka sa kapwa at ina-appreciate ang ginagawa mo para sa kanila.

Huwag kang maging masungit at makiki­ta mo, gaganda ang paningin ng tao sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

ADELAIDA

AKO

BUSINESS ADMINISTRATION

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with