^

Dr. Love

Inilantad ang pagtataksil

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pakiramdam ko sinasadya ng misis ko na iwang bukas ang kanyang laptop para matuklasan ko ang pagtataksil niya. Sa mga nakita ko, tila may relasyon na siya sa isa niyang katrabaho at baka gusto na niya akong hiwalayan.

Ilang linggo na rin akong hindi umuuwi. Ang dahilan ko ay trabaho, pero ang totoo ay hindi ko kayang harapin ang asawa ko matapos ang mga nalaman ko. Napapaisip tuloy ako kung saan ako nagkulang. Hindi naman ako naging pabaya bilang asawa.

Limang taon na kaming kasal at wala pa rin kaming anak. Iniisip ko kung iyon ba ang dahilan kung bakit naghanap siya ng iba. Malapit na rin akong tumuntong sa pagiging senior citizen, samantalang mas bata ang lalaking pinagkakagustuhan niya. Sa kabila ng lahat, ayoko pa rin siyang mawala. Natatakot akong mag-isa. Pero paano kung gusto na talaga niyang tapusin ang aming pagsasama at sadyang hinayaan niya akong mabuking siya? Ano po ba ang dapat kong gawin?

Master LA

Dear Master LA,

Mahirap ang sitwasyong pinagdaraanan mo, lalo na kung nasaktan na ang iyong tiwala. Ngunit sa halip na umiwas, mas makabubuting harapin ang problema at kausapin nang masinsinan ang iyong asawa. Posibleng tama ang hinala mong nais niyang malaman mo ang katotohanan, pero siya lamang ang makapagbibigay ng malinaw na sagot tungkol dito. Kaya mahalagang magkaroon kayo ng tapat at mahinahong pag-uusap. Anuman ang naging dahilan ng kanyang ginawa, kailangan ninyong alamin kung may pag-asa pa bang maisalba ang inyong relasyon o kung may mga isyung dapat ninyong pareho na harapin bilang mag-asawa. Doon lamang magkakaroon ng linaw ang tunay na kalagayan ng inyong pagsasama.

Dr. Love

DR LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with