^

Dr. Love

Dahil sa inilihim na mga utang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo, itago ninyo na lamang po ako sa pangalang Nilo, 38 taong gulang, may asawa, at nagtatrabaho ng marangal para sa aming pamilya.

Sumulat po ako dahil sa bigat ng aming sitwasyon na dala ng pera. Aminado naman akong may mga pagkakautang ako noon, pero nitong mga nakaraang buwan, nagsikap akong maghigpit ng sinturon at mag-sideline para unti-unti nang makalaya sa utang. Akala ko po ay abot-kamay na ang kaluwagan sa isip at bulsa.

Pero nitong nakaraang linggo lang, gumuho ang pag-asa ko nang malaman kong bukod sa mga utang ko na pinagsisikapan kong matapos, mayroon din palang tambak na utang ang misis ko na hindi sinasabi sa akin.

Sa mga pautang, kakilala, at ilang luho at pangangailangan na hindi niya ipinagtapat, pakiramdam ko ay nabalewala ang lahat ng pagtitipid ko.

Mahal ko po ang asawa ko at alam kong hindi naman niya ginusto na mahirapan kami, pero masakit isipin na habang pilit kong inaahon ang bangka, may butas pala sa ilalim na hindi ko nakikita.

Pagod na po ako at naguguluhan. Paano po ako makakalaya sa utang kung ang mismong kabiyak ko ay may sariling mga obligasyong lingid sa kaalaman ko?

Ano po ang dapat naming gawin para maayos ito?

Nilo

Dear Nilo,

Ramdam ko ang pagod at pagkadismaya mo. Sa mag-asawa, ang pera ay hindi lang usapin ng numero kundi ng tiwala at pagiging magkatuwang.

Natural lang na masaktan ka dahil nagpapakahirap kang umahon habang may hindi ka pa pala nalalamang bigat na dala ng misis mo.

Pero hindi makakatulong kung magsisisihan kayo. Ang payo ko kapwa ninyo ilapag ang lahat nang wala nang itinatago.

Mag-usap kayo nang mahinahon at ilista ang lahat ng utang—sa iyo at sa kanya. Mahirap solusyunan ang problema kung hindi buo ang nakikita ninyong larawan.

Magkaisa kayo sa paba-budget at pagti-
tipid. Hindi puwedeng ikaw lang ang nagbabanat ng buto at nagtitipid.

Gumawa kayo ng malinaw na budget para sa pangunahing pangangailangan at tigil muna sa anumang hindi kailangan.

Pagsikapan ninyo na magtulungan sa pagbabayad. Kung may kakayahan ang misis mo na magdagdag ng kita o mag-ambag sa bayarin, pag-usapan ninyo ng maayos.

Mas magaan ang pasanin kung pareho kayong kumikilos at may disiplina.

Unahin ang mabigat ang tubo. Harapin muna ang mga utang na mabilis lumaki ang interes o may mahigpit na singilan para hindi kayo malunod sa patung-patong na bayarin.

Samahan ninyo ng taimtim na panalangin ang bawat hakbang para sa wastong gabay. Kasama ninyo ako sa panalangin na malampasan ang pagsubok na ‘yan sa inyong pagsasama.

DR. LOVE

DEBT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with