May ‘papansin’ sa boyfriend
Dear Dr. Love,
Ako po si Zai, 23 years old. May boyfriend po ako na mahal na mahal ko. Ang problema, may isang babae sa paligid niya na halatang gumagawa ng paraan para makuha ang a-tensyon niya.
Panay ang chat, nagpapapansin at kung anu-ano ang dahilan para mapalapit sa boyfriend ko.
Hindi ko naman gustong maging selosa, pero hindi ko maiwasang mainis dahil parang sinasadya niyang iparamdam na may gusto siya sa boyfriend ko.
Ang mas masakit, minsan ay natutuwa pa ang boyfriend ko sa atensyong ibinibigay nito.
Ayokong magmukhang insecure o kontroladong girlfriend, pero hanggang saan ba dapat ang pagtitimpi ko?
Dapat ko bang komprontahin ang babae o kausapin muna ang boyfriend ko bago pa lumala ang sitwasyon?
Umaasa po ako sa inyong payo.
Zai
Dear Zai,
Natural lamang ang makaramdam ng selos kapag may ibang babaeng pilit na pumapasok sa atensyon ng iyong boyfriend.
Pero tandaan mo, hindi ang babae ang pangunahing may pananagutan sa inyong relasyon kundi ang boyfriend mong may obligasyon na pangalagaan ito.
Kausapin mo siya nang mahinahon. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman at kung bakit ka nasasaktan.
Huwag mong ha-yaang mauwi sa away ang iyong selos. Kung tunay kang mahalaga sa kanya, marunong siyang magtakda ng hangganan sa ibang babae.
Tandaan mo, hindi mo kailangang maki-
pagkompetensiya para lang mapanatili ang atensyon ng taong nagmamahal sa iyo.
Ang tunay na pagmamahal ay hindi kailangang agawin, ipaglaban sa ibang babae o ipagpilitan. Dapat itong kusang pinipili at pinahaha-lagahan.
DR. LOVE
- Latest
















