^

Police Metro

3 raliyistang nanutok, nanakit ng pulis ipinaaaresto ng korte

Ludy ­Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpalabas na ng mga warrants of arrest ang Metropolitan Trial Court (MTC) laban sa tatlong raliyista na nanakit sa isang pulis na nagdo-dokumento sa rally noong nagdaang Labor Day, Mayo 1, 2026, ayon sa Manila Police District (MPD) nitong Sabado.

Ayon MPD, ang tatlong respondents sa kasong paglabag sa “Article 153 ng Revised Penal Code, or tumults and ­other disturbances of public order”.

Hindi naman pina­ngalanan ang tatlo na pawang kasama sa mga nagsasagawa ng kilos-protesta sa TM Kalaw Avenue, sa Ermita.

Sa ulat, ang pulis ay nakaranas ng suntok, kalmot, at palo ng kawayan, at tinangayan pa diumano ng cellphone.

Ang grupo ng raliyista ay unang nagtipun-tipon sa Welcome Rotonda at nagmartsa sa Mendiola at sa TM Kalaw at Roxas Boulevard kung saan sila pinigilang makalapit sa US Embassy.

Iniutos naman ni MPD Director PBGen Arnold Santiago na ipatupad ang kautusan ng korte, kasabay ng gabay na tamang pag-aresto na hindi malalabag ang karapatan ng mga sangkot.

 

 

MPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with