^

Police Metro

Malacañang kay VP Sara: Ipaliwanag paano ginastos ang higit P70 milyon confi funds

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinamon ng Malacañang si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag kung paano ginastos ang mahigit P70 milyon ng confidential funds na idineklarang disallowed ng Commission on Audit (COA).

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na dapat panagutan ni Duterte ang nasabing pondo sa halip na sabihing wala siyang alam sa mga isyung may kinala­man sa paggamit nito.

Ayon pa kay Castro na kailangang ipaliwanag ni Duterte ang mga natuklasan ng COA matapos pinal na pagtibayin ng audit agency ang notice of disallowance para sa naturang halaga.

“Kung nakita po ng COA na kailangan niyang ibalik ang pondo na ito, ibig lamang sabihin, luma­labas na hindi tama ang pag-liquidate at maaaring lumabas na nagamit sa iba ang pondo,” ani Castro.

Inihayag din ni Castro­ na dapat ipaliwanag ni Du­terte sa publiko ang usapin sa halip na umasa sa sinasabing kawalan ng kaalaman tungkol sa mga isyu.

May karapatan naman aniya ang Bise Presidente na humingi ng remedyo sa Supreme Court sa pamamagitan ng petition for certiorari, ngunit iginiit niyang hindi nito nasasagot ang panawagan ng Palasyo na ipaliwanag ang paggamit ng pondo.

Pinuna rin ni Castro ang tagapagsalita ni Duterte na si Salvador Paolo Panelo sa mga pahayag tungkol sa umano’y kawalan ng kaalaman ng Bise Presidente at sinabing dapat mismong si Duterte ang sumagot sa mga tanong hinggil sa pondo ng bayan.

COMMISSION ON AUDIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with