2 lalaki na wanted sa rape at pagmomolestiya ng menor-de-edad, arestado
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaking tambay at isang sekyu na kapwa wanted sa kasong rape at sa mga menor-de-edad, sa Las Piñas City at Parañaque City, nitong Huwebes ng hapon.
Sa ulat ng Las Piñas City Police Station na nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section nang pag-aresto sa akusadong si alyas “Regi” sa pinagtataguang bahay sa Pilar Village at naaresto, alas-2:00 ng hapon ng Oktubre 8 sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness at Child Abuse na inisyu Presiding Judge ng Las Piñas City Family Court Branch 2.
May inirekomendang piyansa na P180,000.00 sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness at P80,000.00 naman sa kasong Child Abuse para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nakapiit ngayon sa custodial facility ng Las Piñas Police Station.
Habang ang security guard na si alyas “Maximo,” 37-anyos ay dinakip ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station ng warrant of Subpoena Section, sa likod ng SM Sucat, Barangay San Dionisio, Parañaque City, alas-3:54 ng hapon ng Okt. 8.
Nabatid na ang akusado ay nakatala bilang Top 9 Regional Level Most Wanted sa kasong Qualified Rape na inisyu ni Presiding Judge Ma. Christina De Pio Lim, ng Parañaque City RTC Branch 260 na walang inirekomendang piyansa.
- Latest



















