^

Bansa

Mag-tiis, magpakasakit sa 2003

-
Nanawagan si Pangulong Arroyo sa sambayanan na kinakailangang magtiis at magpakasakit sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ayon sa Pangulo, inaasahang lalo pang babagal ang usad ng ekonomiya ng bansa at ng buong mundo sakaling matuloy ang giyera sa Gulpo.

‘‘Dapat handa rin tayong magtiis at magpakasakit kung kailangan, lalo na kung babagal ang ekonomiya ng daigdig oras na magka-giyera,’’ pahayag ng Pangulo sa kanyang New Year’s message.

Gayunman, hinikayat ng Pangulo ang sambayanan na magsama-sama at makipagtulungan sa pamahalaan upang makatawid sa kahirapan.

Samantala, muling tiniyak ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na handa ang Pilipinas sa pagsiklab ng giyera sa pagitan ng Iraq at Estados Unidos.

Ayon kay Tiglao, nailatag na ang mga hakbangin upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy na manggagawa sa Gitnang Silangan.

Sa kabila nito, umaasa si Tiglao na hindi gaanong tataas ang presyo ng langis na siyang pinangangambahan na epekto ng giyera. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

ELY SALUDAR

ESTADOS UNIDOS

GITNANG SILANGAN

NEW YEAR

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with