^

Bansa

EO sa class suspension, ilalabas ng Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
EO sa class suspension, ilalabas ng Palasyo
Presidential Communication Office Undersecretary Claire Castro.
The Philippine STAR / Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Maglalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order (EO) na magtatakda nang mas malinaw na patakaran kung kailan dapat isuspinde at ibalik ang mga klase sa mga paaralan.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na layunin ng EO na matiyak ang kaligtasan ng mga estud­yante habang napapanatili ang tuluy-tuloy na pagkatuto.

Ayon kay Castro, malaking kawalan sa mga mag-aaral ang bawat araw na hindi sila nakapapasok sa paaralan kaya mahalagang magkaroon ng maayos at angkop na sistema sa pagsususpinde ng klase.

Sa ilalim ng EO, bibigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) na magpasya kung aling mga lugar o paaralan lamang ang dapat magsuspinde ng klase batay sa aktwal na sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

“Mas direkta ang aksyon, mas angkop ang tugon ng mga LGU,” ani Castro.

Magkakaroon din ng awtoridad ang mga paaralan na magsuspinde ng klase kung kinakailangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Bukod dito, sinabi ni Castro na makatutulong ang EO upang matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa pamamagitan ng mga alternative learning arrangements.

Inatasan din ng Pangulo ang DepEd na gabayan ang mga paaralan sa pagpapatupad ng mga kaukulang alituntunin upang maging maayos at pare-pareho ang implementasyon nito sa buong bansa.

EO

LGUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with