^

Bansa

Chiz nadagdagan ng kaalyado

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadagdagan ng ka­alyado at bagong tagasuporta si Senador Chiz Escudero na kumakandidatong bise presidente sa Mayo 9 sa katauhan ni Davao del Sur Gov. Claude Bautista.

Ayon kay Bautista na panlalawigang tagapa­ngulo ng Nationalist People’s Coalition, siya at ang ibang alkalde sa kanyang lalawigan at maging mga alkalde sa Davao Occidental ay sumusuporta kay Escudero.

Tumatakbong walang kalaban si Bautista sa Davao Occidental na isang bagong likhang lalawigang binubuo ng limang pamahalaang lokal.

Nangako ring ma­nga­ngampanya para sa ikakatagumpay ni Escudero si dating Digos City Mayor Arsenio Latasa na napili ng NPC na kumandidatong gobernador sa Davao del Sur at ang reelectionist na si Vice Gov. Aileen Almendras.

“Tapat kami sa partido ng NPC. Kaya walang kundisyon ang pagsuporta namin sa sino mang kandidato ng partido sa mga pambansang posis­yon,” sabi pa ni Latasa.

Nananatiling nangu­nguna si Escudero sa mga bagong survey sa mga kandidatong bise presidente. Sa huling mobile survey ng Social Weather Station, si Escudero ang pangunahing napipisil ng mga respondent habang 30 porsiyento ang nagsabing si Escudero ang iboboto nila kung ngayon gagawin ang eleksyon.

Nag-endorso rin sa Poe-Escudero ang Maka­bayan coalition na binu­buo ng mga party-list groups na Sulong Katribu, Migrante, ACT Teachers, Gabriela, Bayan Muna, Anakpawis, Kabataan, at Piston.

May 23 sa 30 party-list organizations na ikinatawan sa majority bloc sa Kamara ang nagpahayag ng suporta kina Poe at Escudero.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with