fresh no ads
ADVICE: Babala: ‘Wag maging assuming. Nakamamatay.’ | Philstar.com
^

Supreme

ADVICE: Babala: ‘Wag maging assuming. Nakamamatay.’

Antoinette Jadaone, Chinggay Nuque - The Philippine Star
ADVICE: Babala: ‘Wag maging assuming. Nakamamatay.’
Illustration by Rob Cham

Dear Tita Witty,

May workmate ako na super cute. Crush ko na siya first sight pa lang. Madalas all smiles siya ‘pag nagkakasalubong kami sa work tapos nagbibiruan din kami minsan. Ilang beses na rin siyang nagwi-wink sa akin ‘pag nagkakatinginan kami. ‘Di ko naman binibigyan ng meaning ‘yun, Tita Witty, pero sinabihan kasi niya ako na sweet and cute. Then one time tinanong niya sister ko kung ano bang ginagawa ko ‘pag off ko at ano ang hilig ko. Nalilito lang ako kung ano ba talaga ang nangyayari. I assumed na gusto rin niya ako pero hanggang ngayon wala pa rin siyang move na ginagawa. Assuming lang ba talaga ako and I read too much between the lines or torpe lang siya? Ano ba ang gagawin ko, Tita?

Sincerely,

Sweet and Cute Daw

 

Dear Sweet and Cute Daw,

Ito ang mga signs para malaman kung gusto ka niya:

He constantly texts/chats with you.

He asks you things about yourself.

He finds ways to touch you in a non-manyak way.

He goes out of his way to be with you.

He asks you out.

So far, ang ginagawa niya pa lang sa ‘yo ay:

Kindatan ka.

Ngitian ka.

Makipagbiruan sa’yo.

Sabihan kang sweet and cute.

Tanungin ang sister mo kung ano ang mga gusto mo.

Hmmmmmmm… Ano nga kaya ang nangyayari? I can’t blame you for being confused.

But seriously, sometimes we overanalyze when there’s really nothing to analyze. We try to read between the lines when there are no lines to begin with. We make simple things seem complicated. Gaya ng dieting. Ang dami nating binabasang tips kahit na alam naman natin na mas nakakapayat ang extra rice kaysa sa dalawang extra rice.

Hija, if he likes you, he’ll make the first move. It’s as simple as that. Walang torpe! Hindi totoo ang torpe! Ang torpe ay pang-high school lang!

Wala kang ibang dapat gawin kundi ang tigilan ang pag-assume. At huwag ipahalatang kinikilig ka kapag kinikindatan ka niya. At hinay-hinay sa pagtawa sa mga jokes niya lalo na kapag hindi naman talaga nakakatawa kaya lang ang cute niya kasi. Pero sige, puwede mo siyang i-stalk online, maiintindihan ko.

xoxo,

Tita Witty

* * *

Send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to deartitawitty@gmail.com. Follow @titawitty on Instagram for more ka-witty-han. Ktnxbye.

 

 

 

vuukle comment

CRUSH

Philstar
x
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with