^

Probinsiya

Misis, patay sa saksak ni mister!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Nagselos sa ka-chat...

MANILA, Philippines – Patay ang isang 41-anyos na misis nang pagsasaksakin ng kanyang mister na nagselos dahil sa pakikipag-chat umano sa ibang lalaki, sa loob ng kanilang bahay sa Antipolo City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si alyas “Rosalie”, habang tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na asawa na si alyas “Jimmy”, 46-anyos.

Sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, naganap ang krimen dakong alas-8:45 ng gabi ng Nobyembre 21, 2026, sa tahanan ng mag-asawa sa Sitio Admiral, Barangay San Luis, Antipolo City.

Sa imbestigasyon, katatapos lang kumain ng mag-asawa kasama ang 21-anyos na anak na babae, nang mapansin ng mister ang pagkikipag-chat ng misis sa isang messaging app.

Nakita umano ng suspek na lalaki ang ka-chat ngunit bigo siyang mabasa ang mensahe.

Sa duda at selos na karelasyon ang ka-chat, tinawag ng suspek ang anak upang siya ang magbasa ng mensahe sa cellphone ng ina.

Ikinagalit ito ng ginang kaya nauwi sa matinding pag-aaway hanggang sa pumasok na sa kuwarto ang ina at sinundan ng suspek.

Narinig ng anak ang malakas na sigaw ng ina kaya napilitang pumasok sa silid ng magulang, na inakala niyang sinuntok lamang, subalit nakita niya ang kamay ng ama na hawak pa ang kutsilyo at ilang beses pang inuundayan ng saksak sa dibdib ng biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek at ang anak na mismo ang nagsilbing testigo sa pangyayari.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with