Ang Muling Pagbangon ni Giro
Pagrampa bilang modelo at kontesero ang matagal nang pinagkakaabalahan ni Giro del Rosario. (wala ka na ngang time for me, bro!) Pero bigla itong natigil noong November 2025 nang magkaroon siya ng matinding allergy at maaksidente. (ingat po!)
“Alam ko namang may allergy ako sa cheese o queso pero natakam ako sa nakita kong ham and cheese. Kaya kinain ko. Dun na ‘ko nagkapantal sa buong katawan at namaga ‘yung tonsils ko,” pag-alala ni Giro (grabe ‘yung queso!)
Nahirapan nang makahinga si Giro, at nakaramdam ng pananakit sa lalamunan. “Gusto kong sumuka, kaya pupunta sana ako sa banyo. Pero habang papunta ako ‘di ko na kinaya, nag-collapse ako. “
Hindi maganda ang pagkakabagsak ni Giro sa semento: “Tumama ang mukha ko sa floor, nagkasugat ako sa ulo, nagkahiwa ako sa baba, nabasag mga ngipin ko at nagdugo tenga ko.”
Kinailangang nyang magpagamot at ipaayos ang mga naging pinsala sa kanya nang maraming buwan. Maraming trabaho ang nawala.
“Dalawang pageant ‘yung meron ako that time. ‘Yung isa, nakapag photo shoot na at sashing. ‘Yung isa, kasama na ‘ko sa finals. ‘Di ko na ‘yun nagawa.”
Nagpapasalamat si Giro na nalagpasan na nya ang trahedyang ito at ngayon ay nagsisimulang muli. (tara magsimula tayo, bro together!)
“Gusto ko rin talaga ‘yung negosyo. Sa ngayon meron akong gym. Ako rin trainer sa mga gustong magpa-train,” pagbabahagi ni Giro (pa-train, bro!)
Pumirma na rin sya ng kontrata sa Vivamax. “Last year pa dapat pero parang ‘di ako ready. Ngayon may pangangailangan na ‘ko kaya pumirma na ‘ko.” (kailangan kita, bro!)
Sa kanyang guest appearance sa youtube channel naming WTFu, sinabi ng 28-anyos na binata ang kanyang restrictions pagdating sa pagpapa-sexy: “Di ko lang kaya ‘yung same sex scenes. ‘Yung mga gay films, kasi pinagpaalam ko talaga sa parents ko ‘yung Vivamax. “ (huwag na lang muna sila manood, just in case!)
Maiiba lang daw ang desisyon nya kung si Piolo Pascual ang makakapareha nya: “Papa P, pa kiss!” (kiss agad sa kanya?! paano ako, bro?!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest





















