^

PSN Showbiz

Heart, pasabog sa bikini

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart, pasabog sa bikini
Heart Evangelista

Hindi lang si Alex Eala ang Pinay na agaw-eksena sa New York Fashion Week (NYFW). Ganundin ang Filipina global style influencer na si Heart Evangelista.

At pasabog ang kanyang mga post. Hindi raw napag­handaan ng ibang fans lalo na ‘yung selfie niya na naka-bikini. Na sa totoo lang, kahit pa nga naghahanda pa lamang siya para sa big fashion event sa US of A ay umagaw-eksena na ang aktres/TV host sa streets of the Big Apple.

Kasalukuyang dumadagsa sa Manhattan ang mga bigating fa­shion celebrities and leaders mula sa lahat ng sulok ng mundo para sa ginaganap na NYFW.

Sinasabing ang NYFW edition every September ang pinakamasaya lalo na’t maraming malalaking celebrity matapos ang finals ng US Open.

Si Heart at si Alex ay dumalo sa NYFW spring/summer 2027 na nag-umpisa nito lamang Sept. 10.

Alex Eala

Inaasahang mas eventful ang season na ito dahil sa pagbabalik ng mga sikat na designer, at pagrampa ng mga sikat na personalidad sa runway.

Malakas din ang bulungan na makikita sa fashion show front row seats sina Anne Hathaway, Chloë Sevigny, Gigi Hadid, Kate Mara, Oprah Winfrey at marami pang iba.

Ang mga event sa NYFW ay idinaraos sa iba’t ibang lokasyon sa limang borough ng New York. Sa season na ito, gaganapin ang fashion shows sa mga kilalang lugar sa Manhattan tulad ng The Plaza at The Rainbow Room, pati na rin sa Flushing Mea­dows Corona Park sa Queens, at Storm King Art Center.

Sa ngayon, si Heart ang tanging kilalang Filipino fashion influencer na naimbitahan sa pinakabagong edisyon ng NYFW. Habang si Alex ay first time nakaranas ng pagdalo sa mga fashion event tulad nito.

At isa sa inirampa ni Heart sa New York ay ang collection ng Cult Gaia, isang contemporary luxury and designer lifestyle brand na kilala sa artistic and sculptural pieces nito.

Sa isang social media reel, ipinakita ni Heart ang suot niyang white Cult Gaia Riju Dress. Ang mini-dress na ito ay may dramatic ruffled la­yers at playful side cut-outs na napaka-unique at avant-garde.

Una nang naiulat na ang artist-entrepreneur ay opisyal na ngang pumasok sa kanyang jeweler era — a proof that Heart’s fashion influence goes beyond wearing stylish and expensive clothes.

At patok ang kanyang jewelry designs na nagiging statement pieces kaya sold-out agad ang mga ito.

Bago siya dumalo sa September edition ng NYFW ngayong taon, dinaluhan niya ang Paris at Milan Fashion Weeks, kung saan agaw-pansin siya, naging usap-usapan, at nag-trending worldwide.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with