Mahigit 500 Kapamilya, nanalo ng papremyo sa panonood

Nanood lang, nanalo pa!
Bongga ang panonood ng primetime shows sa ABS-CBN sa ALLTV2 dahil mahigit 500 na Kapamilya na ang nanalo sa pagsali sa mas pinasayang Tutok 2gether simula nang inilunsad ang promo noong Hulyo 27.
Pwede pang manalo ng libu-libong cash prizes hanggang Setyembre 18 sa pagtutok sa primetime programs sa ABS-CBN sa ALLTV2 mula Lunes hanggang Biyernes.
Simulan ang gabi sa mga napapanahong balita at impormasyon sa TV Patrol ng 6:30 p.m., subaybayan ang kilig at aksyon nina Coco Martin at Julia Montes sa Coco Martin’s Sigabo ng 8 p.m., at huwag palampasin ang matitinding rebelasyon at pasabog sa Someone, Someday tampok sina Kathryn Bernardo, James Reid at Maja Salvador ng 8:45 p.m.
Pero hindi lang saya, kilig at aksyon ang dapat abangan dahil may tsansa ring umabot sa P50,000 ang napanalunang cash prize sa Doble Panalo draw kung saan may pagkakataong madoble ang cash prize ng mga maswerteng contestant.
Para makasali sa exciting promo, abangan ang karakter sa lucky coin na lalabas sa alinman sa tatlong palabas na nabanggit, i-scan ang QR code o maglog-in sa joinnow.ph para ipasa ang sagot, at kumpletuhin ang registration form para ma-secure ang entry.
Para mahanap ang ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
- Latest




















