^

PSN Showbiz

John Lloyd at Jodi pareho nang ‘pinagmulan’

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang layu-layo na talaga ng narating nina John Lloyd Cruz at Jodi Sta. Maria na parehong nagsimula sa una nilang teleserye na Tabing Ilog kung saan din nila nakasama sina Kaye Abad, Patrick Garcia, Paolo Contis, at iba pa.

Although active pa rin sa showbiz hanggang ngayon sina Kaye, Patrick, Paolo at iba pa nilang mga kasamahan sa Tabing Ilog, iba naman ang narating nina JLC at Jodi sa kanilang respective careers.  Ang dalawa ay kasama sa mga major stars ngayon ng ABS-CBN.

Sa Tabing-Ilog nabuo ang love team noon nina John Lloyd at Kaye Abad ganoon din naman sina Jodi at Patrick.

Rhian dapat hindi na muna ma-in love para magtuloy-tuloy na ang career

Madalas na mga lalaki lamang ang sumasali sa  mga car racing, pero marami ang nagulat na ito pala ngayon ang bagong sports na kinahihiligan nina Rhian Ramos at Phoemela Baranda.  Katunayan, ang dalawang female celebrities ay kasali sa 2014 Toyota Vios Cup na gaganapin sa Clark International Speedway on July 25 and 26.

Kapag hindi busy si Rhian sa kanyang taping ng My Destiny,  siya’y nasa car racing training o ‘di kaya ay nasa gym, kung saan naman niya gym buddy ang nali-link sa kanya ngayong model-TV host na si Marc Nelson.  Pero agad klinaro ni Rhian na kaibigan lamang umano niya si Marc.

Rhian got entangled sa isang matinding kontro­ber­siya nang sila’y maghiwalay ng controversial radio jockey na si Mo Twister.  Naging boyfriend din ni Rhian ang ex-husband ni Geneva Cruz na si KC Montero at ngayon ay nali-link siya kay Marc Nelson na dini-deny niya naman.

 May mga nagsasabi na madalas mag-suffer ang career ni Rhian kapag siya’y nai-inlab.  She could have been a bigger star than she is today kung nagpu-focus lamang siya nang husto sa kanyang acting career.

Pero walang balak dyowain, Alex natutuwa kay Ryan!

Natutuwa ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga sa Korean come­dian na si Ryan Bang na may gusto sa kanya, pero hindi bilang boyfriend kundi bilang kapatid.

Sina Ryan at Arjo Atayde ang parehong vocal sa kanilang paghanga sa kikay na si Alex na nagsasabing hindi pa umano siya ready na magkaroon ng (bagong) boyfriend dahil gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang career laluna ngayon na on the upswing.

Daniel at Kathryn kailan kaya aamin?

`What you see is what you get’ din ang drama ng teen stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, mga pangunahing bituin ng soon-to-be-released movie ng Star Cinema, ang movie adaptation ng best-selling book ni Bianca Bernardino na pinamagatang She’s Dating The Gangster na pinamahalaan ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina na siya ring nagdirek ng kanilang hit TV series na Got To Believe na kamakailan lamang nagtapos sa ere.

Ayaw muna lagyan ng label ng “mag-sweetheart” na Kathryn at Daniel ang kanilang relasyon, pero obvious sa kanilang mga kilos at pananalita that there is something more than merely friendship.

Aminado ang dalawang teen stars na enjoy silang magkasama at magkatrabaho and they both inspire each other.  Mukha namang tanggap ng kanilang respective families kung anuman ang estado ngayon ng kanilang pagkakaibigan o relasyon.

ALEX

ALEX GONZAGA

ARJO ATAYDE

BIANCA BERNARDINO

KAYE ABAD

MARC NELSON

RHIAN

TABING ILOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with