^

PSN Showbiz

Orihinal na Darna nahanap sa Thailand

-

Sa paghahanap sa orihinal na pelikulang Darna, nakarating sina Howie Severino at kanyang I-Witness team sa Thailand at doon nakita ang nakai­intrigang koneksyon sa pagitan ng Pinay superhero at ng mga mongheng Budista.

Ngayong Sabado (Enero 10) ng gabi sa Sine Totoo, alamin ang kanilang natuklasan sa dokumentaryong Pantasya ng Bayan.

Darna, Encantadia, Mulawin… ilan sa mga pinakaunang telepantasyang kinahumalingan ng mga Pilipino. Pero saan nga ba nagsimula ang ating pagkahumaling na ito sa pantasya? Hinanap ng grupo ni Howie ang kasagutan sa mga nawawalang pelikulang Pilipino.

Bago ipalabas ang dokumentaryo, ipaliliwanag ni Howie, na siya ring host ng Sine Totoo, kung paano nagamit ng grupo ang popularidad ng pinakabagong bersyon ng Darna para talakayin ang mas malalim pang isyu ng mga nawawalang pelikula.

Kasama si Nick Deocampo, isang film historian at kilalang director, tinuklas ng grupo ni Howie ang misteryong ito at iniuwi sa Pilipinas ang isang hindi inaasahang bonus. 

vuukle comment

BAYAN

BUDISTA

DARNA

ENCANTADIA

ENERO

HOWIE

NGAYONG SABADO

NICK DEOCAMPO

PILIPINO

SINE TOTOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with