^

Probinsiya

Mag-asawa, anak todas sa ambush!

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa, anak todas sa ambush!
Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad kabilang ang PNP-SOCO ang insidente ng ambush na ikinamatay ng isang mag-asawa at 16-anyos na anak na dalagita, at ikinasugat ng 11-anyos na batang lalaki sa Barangay Na­linan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Lunes ng hapon.
John Unson

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng isang pamilya ang patay habang isa pa ang nasugatan matapos na paula­nan ng bala ng mga armadong kalalakihan sa naganap na ambush sa Brgy. Nalinan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Lunes ng hapon.

Sa report ni Bangsa­moro Police Spokesman P/Lt. Col Jopy Ventura, kinilala ang mga nasawi na sina Ibrahim Payapat, misis nitong si Zenaida, 32, at anak na si Aisa, 16; pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Si Ibrahim ay dead-on-the-spot sa ­insidente habang ang misis at anak na babae ay binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Cotabato Sanitarium and ­General Hospital sa Sultan Kudarat.

Ang 11-anyos na lalaking anak ng mag-asawa ay nasugatan sa insidente at patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Base sa imbestigasyon, pasado ala-1 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar habang pauwi na sa kanilang tahanan ang maganak lulan ng tricycle na tinatawag nila sa lugar na “payong-payong”.

Ang pamilya ay inabangan umano ng mga salarin na nakitang umaaligid sa lugar bago ang krimen.

Sinabi ng opisyal na bigla na lamang pina­ulanan ng bala ng mga a­rmadong salarin ang nasabing pamilya saka mabilis na tumakas matapos na mapuruhan ang hinihinalang target na padre de pamilya.

Kasalukuyan nang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng krimen upang matukoy at ­maaresto ang mga suspect.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with