^

Probinsiya

Misis kinatay ni mister!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Misis kinatay ni mister!
Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang ginang na kinilala lang sa pangalang “Clemen” matapos na magtamo nang malalim na saksak sa iba’t ibang
STAR / File

Hinabol hanggang CR

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hang­gang sa mapatay ang isang 49-anyos na store owner ng kanyang sariling mister kasunod ng kanilang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas nitong Biyernes.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang ginang na kinilala lang sa pangalang “Clemen” matapos na magtamo nang malalim na saksak sa iba’t ibang

Ang suspek na kinilala sa pangalang Rodrigo ay isinugod rin sa pagamutan at kasalukuyan nang nagpapagaling matapos na masugatan  sa insidente.

Base sa report ng Lipa City Police, nangyari ang insidente sa tahanan ng mag-asawa sa Brgy. Marawoy ng lungsod.

Bago ang krimen, nagkaroon nang mainitang pagtatalo sa pagitan ng ginang at ng mister nito sa hindi pa matukoy na kadahilanan.

Ayon sa imbestigas­yon, naalimpungatan ang anak ng mag-asawa na si Christian sa malalakas na sigawan at kalabugan sa unang palapag ng kanilang tahanan at nang bumaba sa hagdaan upang alamin ang insidente ay napasigaw siya sa pagkabigla.

Nakita na lang ni Christian na pinagsasaksak na ng kaniyang ama ang kaniyang ina sa loob ng comfort room kaya agad siyang nagtatakbo palabas ng kanilang bahay para humingi ng tulong.

Posibleng nagawa pang tumakbo ng ginang patungong palikuran para makaiwas sa pananakit ng mister, pero rito siya inabutan at kinatay.

Agad na dinala ng mga emergency res­ponders ang negosyan­te ginang sa opsital pero hindi umabot nang buhay habang inaresto ng mga rumespondeng pulis ang mister na nahaharap ngayon sa kasong parricide dahil sa pagpaslang sa misis.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with