Bilyong pera sa bangko, lavish shopping taliwas sa ‘poor man portrait’ sa publiko
Nakakagulat ang mga isiniwalat ng mga testigong sumalang sa Senate impeachment trial kaugnay sa sandamakmak na perang labas-pasok sa mga bangko ni Vice President Sara Duterte at kanyang mister na si Atty. Mans Carpio.
Tumataginting lang naman sa P4.4-bilyon ang financial trail nina VP Sara at Carpio na ikinamangha ng madlang people matapos ang pagharap ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Secretariat Executive Director Atty. Ronel Buenaventura sa Senate impeachment court.
Bagama’t idineklara ng Bise Presidente ang P98.5 milyong net worth nito, tila hindi umano ito nagtutugma sa mga lumalabas at nakalululang figures.
Ayon sa prosecution panel ng Kamara, nasa P817.8 milyong halaga ng kanyang mga ari-arian, mula 2022 hanggang 2025 ang hindi idineklara ni VP Sara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Lumabas ito sa pagharap sa impeachment court ng panibagong testigo ng prosecution panel ng Kamara na si financial forensic analyst Atty. Alexander Cabrera.
Kaya naman kung totoo ‘yang mga kuwenta nila sa multi-million na “anda”, aabot sa P916.5 milyon ang kabuuang yaman nito na hindi naideklara sa SALN.
Sa kabilang banda, hindi rin nakaligtas sa paningin ni Atty. Cabrera na nagsasabi sa “unusual” or “questionable banking behavior” ng mag-asawang Duterte at Carpio.
Grabe pala, mapapa-wow ka na lang kung totoo ito.
Sa Kuala Lumpur, gumastos daw ang Bise Presidente at mister ng higit P256K matapos mamakyaw ng mga Nike shoes, habang sa Davao City, mega shopping din nang mamili umano ng nasa P300,000 sa iisang araw lang gamit ang kanilang credit card.
Sinilip pa nga ang pagkain nila sa isang restaurant sa Tokyo, Japan kung saan nasa P205K ang bill at binayaran din umano sa pamamagitan ng kanilang credit card.
Ito ay isa lang na halimbawa ng maluhong pamumuhay ng mga opisyal ng gobyerno na una nang nagpapakilala o inilalarawan ang mga sarili sa taumbayan na “humble” at “dukha” pero sa totoo lang, limpak-limpak ang mga tagong yaman.
- Latest

















