^

Probinsiya

Mga mangingisda ng Zambales pinaiimbestigahan P319 milyong remittances ng China sa kumpanya ni Mans

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ng mga mangingisda ng Zambales na masusing suriin at imbestigahan ang P319 milyong remittances mula sa China at Hong Kong para sa kumpanya ng mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases “Mans “ Carpio.

Sa manifesto ng mga mangingisda ng Zambales na ibinahagi nina Zambales Reps. Jefferson “Jay” Khonghun (1stDistrict ) at Doris “Bing “ Maniquiz (2ndDistrict), nagpahayag ng pagkabahala ng grupo ng mga mangingisda sa pagpapadala ng remittance ng China sa Cale88 .

Ayon sa mga mangingisda nababahala sila kung ang nasabing mga dayuhang interes ay inuuna pa ni VP Duterte kaysa kabuhayan nilang mangingisda na pinagkakaitan ng karapatan sa West Philippine Sea (WPS).

Sa tala ng mga mangingisdang Pinoy ay dumaranas ng harassment at pambu-bully sa WPS mula sa China Coast Guard (PCG) at mga Chinese militia sa pangingisda sa teritoryo ng bansa sa WPS na nasasakupan ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ayon sa hinaing ng mga mangi­ngisda, ang aktibidad ng China sa WPS ay patuloy na tumitindi kung saan maging sa kanilang tradisyonal na pangisdaan ay hindi sila makapamalakaya nang malaya.

Anila, dahil sa pangingipit ng China ay nahihirapan sila sa pangingisda na tangi nilang kabuhayan kung saan lugi pa sila sa gasolina at konti lamang ang huling isda at kung minsan ay wala pa.

Ayon sa mga mangingisda kulang ang kanilang kaalaman sa impormashyon hinggil sa transakyon ng China sa Cale88 ni Carpio at natatakot silang may kapalit ang nasabing transakyon kung saan anumang pabor ay dapat umanong maestablisa.

Hinikayat din sa manifesto ang Senate impeachment cort na masusing suriin ang mga lumutang na ebidensya at kung kinakailangan ay palaliman pa ang imbestigason upang hindi malagay sa kompromiso ang karapatan ng Pilipinas sa WPS kapalit ng anumang personal o pinansiyal na ganansiya.

REMITTANCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with