^

Bansa

Lacson pinuri sina Diokno, Cabrera; sagot ng depensa aabangan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lacson pinuri sina Diokno, Cabrera; sagot ng depensa aabangan
Senator-judge Ping Lacson
Screenshots / Senate

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson ang paraan ng paglalahad ni Rep. Jose Manuel “Chel” Diokno at ng prosecution expert witness na si Atty. Alexander Cabrera kaugnay ng alegasyong unexplained wealth sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Gayunman, binigyang-diin ni Lacson na hindi pa dapat pangunahan ang magiging resulta ng kaso dahil nakatakda pa ang cross-examination ng depensa kay Cabrera sa susunod na linggo.

Sa isang post sa X, sinabi ni Lacson na malinaw, eksakto at magkakaugnay na nailatag ni Diokno ang mga isyung saklaw ng Article II ng impeachment complaint, na tumatalakay sa umano’y di-maipaliwanag na yaman.

Ayon naman kay Rep. Terry Ridon, matapos ang cross-examination at iba pang kaugnay na pagtatanong kay Cabrera, ihaharap na ng prosekusyon ang pormal na listahan ng mga ebidensyang nais nitong tanggapin ng hukuman.

Bagama’t kinilala ni Lacson ang kredibilidad at karanasan ni Cabrera, sinabi niyang hindi pa conclusive ang testimonya nito sa kasalukuyan dahil maaari pa itong kuwestiyunin ng depensa at kontrahin ng sarili nitong mga eksperto.

Aniya, ang mga senador-hukom ang magtitimbang kung aling pagsusuri at testimonya ang mas kapani-paniwala kapag nailahad na ng magkabilang panig ang kanilang mga ebidensya.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with