^

Probinsiya

Sundalo todas, 8 pa sugatan sa panibagong ambush sa Basilan

John Unson, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Sundalo todas, 8 pa sugatan sa panibagong ambush sa Basilan
Isinugod sa magkahiwalay na ospital ang pitong sugatang sundalo at dalawang sibilyan na tinambangan sa Lamitan City, Basilan, kama- kalawa. Isa sa mga sundalo ang nasawi habang nilalapatan ng lunas.
John Unson

COTABATO CITY , Philippines – Patay ang isang sundalo habang walo pa ang sugatan kabilang ang mag-amang sibilyan sa panibagong pananambang ng armadong grupo laban sa tropa ng pamahalaan sa Lamitan City, Basilan nitong Huwebes ng gabi.

Kinumpirma ni Brig. Gen. Frederick Sales, commander ng 1101st Infantry Brigade na may sakop sa buong lalawigan ng Basilan na isa sa mga sundalo na tinukoy lang sa pangalang Cpl. Lagmay ang namatay sa pag-atake.

Lima pa sa mga sugatang sundalo ay kinilalang sina Sgt. Edgardo Gayao, Staff Sgt. Noel Backas, Private 1st Class Ismael Degamo, Private 1st Class Felipe Tañamor Jr., at Staff Sgt. Dwight Eissen Villamil habang inaalam pa ang pangalan ng isa.

Sa ulat, ang napatay na sundalo at anim na kasamahan, pawang kasapi ng 45th Infantry Battalion ng Philippine Army, ay magkakasamang sakay ng military truck at bumabagtas sa highway ng Barangay Sabong sa Lamitan City, nang bigla silang paulanan ng bala ng hindi kilalang grupo na nakaabang at nakaposis­yon sa gilid ng kalsada.

Nadamay naman ang mag-amang sina si Daniel Hajim Onton at ang anak nitong si Erpan, 10-anyos, Grade 4 pupil, habang sakay ng multicab at kasunod ng mga sundalo.

Tatlo sa mga sundalo, isa rito tinamaan ng bala sa ulo habang ang dalawa sa katawan, ay unang isinakay sa Air Force helicopter nitong Huwebes patungong ospital sa WestMinCom’s command center sa Zamboanga City. Gayunman, isa sa kanila ang idineklarang patay matapos ang ilang oras habang nilalapatan ng  lunas.

Ang ibang sundalong sugatan at mag-amang Onton ay isinugod naman ng mga emergency responders sa Lamitan District Hospital.

Sinabi ni Police Capt. Steffie Salanguit, PRO-BAR’s spokesperson, nagtutulungan na ang mga imbestigador ng Lamitan City Police Station, mga units ng Basilan Provincial Police Office, at local executives sa pagtukoy sa grupong responsable sa nasabing ambush.

Ang nasabing insidente ay kasunod sa ambush sa Barangay Badja, Tipo-Tipo, Basilan nitong Lunes na ikinasugat ng 13 sundalo at miyembro ng CAFGU.

Ang magkasunod na ambush sa mga sundalo ay kagagawan umano ng grupo na pinamumuan umano ni “Saddam Siddick,” isang wanted criminal gang leader, at dating may koneksyon sa nabuwag na Abu Sayyaf Group.

SUNDALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with