^

Probinsiya

Parak dedo sa bike crash

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Patay ang isang pulis matapos mabangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa ginagawang kalsada sa Brgy. Sta. Cruz, Angat, Bulacan kagabi.

Naisugod pa sa Angat Health Center ng kanyang kabaro subalit nasawi rin kinalaunan bunga ng tinamong sugat sa ulo at bali sa katawan ang biktima na kinilalang si PO3 Erickson Cruz, 37, kasalukuyang nakatalaga bilang miyembro ng Angat Drug Enforcement Unit at residente ng Brgy.Sto.Cristo sa bayan ng Baliwag.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Eduard Occena, dakong alas-11:00 ng gabi ay pabalik na sa kanilang himpilan ang biktima kasama ang kabaro nitong si John Kirby Merle mula sa pagmamanman sa isang notoryus na drug pusher sa naturang lugar at habang binabaybay nito ang ginagawang kalsada ay bigla nitong nilampasan ang isa pang sasakyan sa kanyang harapan.

Dito na nawalan ng kontrol ang kanyang sasakyang Yamaha MIO (8995-TD) na naging dahilan upang tumilapon ang katawan sa ginagawang kalsada na walang mga kaukulang warning device at nang makita ng kanyang kabaro ang insidente ay kaagad na isinugod ito sa naturang ospital subalit nasawi din kinalaunan.

vuukle comment

ARIEL VANGUARDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with