2,600 pulis ikinalat sa Peñafrancia Festival
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Iprinisinta ng Police Regional Office 5 sa pangunguna ni regional director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio kay Naga City Mayor Leonora Robredo ang nasa 2,600 pulis at force multipliers mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Army, at iba pang law enforcement agencies sa ginawang musteering of troops na magbibigay nang mahigpit na seguridad sa lahat ng aktibidad ng Peñafrancia Festival ng lunsod sa Camarines Sur.
Nasa 868 na pulis mula sa Albay Police Provincial Office (PPO), Sorsogon PPO, Regional Mobile Force Battalion 5, Regional Headquarters, at iba pang PNP Units ang ipinadala sa lungsod. Nasa 35-police mobile pa ang kasamang ipinadala para sa karagdagang seguridad, police vissibility, at pagtitiyak sa maayos na daloy ng trapiko lalo na sa ginawang traslacion procession kahapon o ang paglilipat ng imahe ng “Inang Peñafrancia at Divino Rostro” mula sa kinalalagyan nito sa Peñafrancia Shrine patungo sa Naga Cathedral.
- Latest























