^

Probinsiya

Jailbreak: 3 preso pumuga, warden, 1 pa utas

- Nina Ed Casulla at Joy Cantos -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Napatay ang isang deputy jailwarden at isang preso habang dalawa pa ang nasugatan sa naganap na jailbreak sa Bureau of Jail Management and Penology kung saan nakapuga ang tatlong preso sa Barangay Poblacion sa bayan ng Palanas, Masbate noong Martes ng gabi.

Kinilala ang napaslang na si Senior Jail Officer 1 Rene Danao habang kritikal naman si Jail Officer 2 Julius Cervantes.

Kabilang sa mga tumakas ay sina Rommel Padailap may kasong rape; Jessie Cabier, murder; at  si Romeo Olasla Jr.

Sa inisyal na ulat bago maganap ang jailbreak ay nakaupo sa harap ng kanyang mesa ang deputy jail warden nang timplahan at bigyan ng kape ng isa sa preso.

Kasunod nito ay biglang pinukpok sa ulo ang opisyal saka inagaw ang M-16 Armalite rifle kung san pinaputukan ang deputy jail warden.

Listo namang tumulong ang dalawa pang preso at agawin ang baril ng isa pang guwardiya saka pinagbabarilin ito.

Nabatid na ang dalawang preso na sina Felipe Alargo at Romulo Pason na sinasabing hindi sumama sa pagtakas ay binaril din kung saan idineklarang patay si Pason sa ospital.

Nakatakas ang tatlong preso tangay ang M-16 Armalite rifle, shotgun at ang cal. 45 pistola.

vuukle comment

ARMALITE

BARANGAY POBLACION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

FELIPE ALARGO

JAIL OFFICER

JESSIE CABIER

JULIUS CERVANTES

RENE DANAO

ROMEO OLASLA JR.

ROMMEL PADAILAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with