^

Probinsiya

2 sugatan sa pamamaril sa lamay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 sugatan sa pamamaril sa lamay
Sa ulat ng Tabuk City Police, ang mga biktima ay isang 58-anyos na mister at bayaw nitong 50 taong gulang; pawang mula sa tribong Naneng sa Kalinga.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang iniulat na nasugatan matapos na magpaputok ang hindi pa nakilalang mga armadong lalaki sa burol ng isang namayapa sa Brgy. Dado Dangwa, Tabuk City, Kalinga noong Sabado.

Sa ulat ng Tabuk City Police, ang mga biktima ay isang 58-anyos na mister at bayaw nitong 50 taong gulang; pawang mula sa tribong Naneng sa Kalinga.

Ang mga ito ay nagtamo ng mga tama ng bala sa singit, braso, at binti na isinugod na sa Kalinga Provincial Hospital sa Bulanao para malapatan ng pangunang lunas.

Base sa paunang imbestigasyon, nasugatan ang dalawang biktima nang paputukan ng mga miyembro ng tribong ­Tinglayan ang mga kasapi ng tribong Naneng dahilan sa umano’y alitan sa lupa.

Naglatag naman ng mga checkpoint ang mga rumespondeng tauhan ng pulisya at naglunsad ng mga tactical search at security operation upang matukoy ang pinagmulan ng putukan at masakote ang mga ito.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang posibilidad na nag-ugat ang pamamaril sa alitan sa lupa sa pagitan ng dalawang tribo. Patuloy  naman ang hot pursuit operation sa mga nagsitakas na suspect.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with