Senior HS nahulog sa ilog, lunod

Nanghuhuli ng insekto para sa project
CAVITE, Philippines — Patay ang isang senior high student matapos na aksidenteng madulas at mahulog sa ilog habang naghahanap na magiging project sa kanilang eskwelahan, kamakalawa ng hapon sa Sitio Malipa, Brgy. Maguyam Silang Cavite.
Base sa ulat ng Silang police, alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente. Magkakasama ang limang magkaklase ng senior high at kinilalang alyas “Lance,” ang nasawi sa insidente. Habang ang apat na kasama na sina alyas “Kyle,” “Shain,” “Nica,” at “Jamry,” pawang mga estudyante sa Buliham National High School nang magtungo ang mga ito sa isang lugar na malapit sa ilog, upang maghanap ng mga living organisms na mga insekto at isopods para ‘di umano sa kanilang project sa school.
Magkakasunod na bumabaybay ang mga ito sa gilid ng ilog habang mga naghahanap nang aksidenteng madulas ang biktima at tuluy-tuloy na bumulusok pababa sa ilog.
Nasaksihan ito ng mga kasama kaklase at nataranta sa pangyayari kung saan nakita pa umano nila na nalulunod ang biktima hanggang sa tuluyan na itong lumubog.
Agad na humingi ng tulong ang magkaklase at makalipas ang may 15 minutong paghahanap, nakuha ng mga Barangay Maguyam personnel na rumesponde sa insidente ang katawang ng biktima na agad itinakbo sa Carsigma hospital subalit hindi na ito naisalba pa.
Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya hinggil sa insidente
- Latest















