^

Police Metro

Bebot sinalvage, bangkay inihagis sa bangin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinalvage ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang isang babae na kanilang kasama at nang masigurong patay na ay inihagis nila ito sa isang bangin kamakalawa sa Provincial Road, Purok 3, Brgy. Guling, Guipos, Zamboanga del Sur.

Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng  biktima  na tadtad ng mga tama ng cal. 45 pistol sa likuran ng ulo at katawan na isinalarawan na nasa pagitan ng 18 -20 anyos, may taas na 4’11” hanggang 5’1” at nakasuot ng stripe na blusa, maong pants na may kulay puti at pulang kombinasyon at kulay itim na sandals.

Sa salaysay ng mga residente sa lugar na dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang marinig ang ingay na nilikha ng isang paparating na motorsiklo at nakita nila ang dalawang lalaki na nasa gitna ang nasabing babae.

Ilang saglit pa ay nakarinig ang mga tao rito ng sunud-sunod na putok ng baril sa nasabing lugar at  pansamantalang huminto ang nasabing motorsiklo habang kaladkad ang nasabing biktima.

Natakot ang mga residente na lumapit dahil sa takot sa mga armadong suspek at kinaumagahan ay nadiskubre ang bangkay ng nasabing babae na inireport ng mga residente dito sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

BRGY

GUIPOS

ILANG

NATAKOT

PATULOY

PROVINCIAL ROAD

PUROK

SINALVAGE

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with