150 kabahayan nasunog
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Umaabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang 150 kabahayan sa Sitio San Isidro Labrador, Barangay Quiot sa Cebu City, Cebu noong Miyerkules ng gabi. Sa ulat ng Cebu City Fire Marshal, naitala ang sunog bandang alas-6:15 ng gabi habang ang karamihang pamilya ay katatapos lamang maghapunan at ang iba naman ay naghahanda na para matulog. Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, nagmula ang apoy sa bahay ni Valeria Ogahayon kung saan mabilis na kumalat sa mga katabi nitong kabahayan. Naapula ang sunog dakong alas-7:34 ng gabi habang wala namang naitalang nasugatan o namatay sa naganap na sunog.

ANG BARANGAY QUIOT CAMP CRAME CEBU CEBU CITY CEBU CITY FIRE MARSHAL MIYERKULES NAAPULA SITIO SAN ISIDRO LABRADOR UMAABOT VALERIA OGAHAYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with