One more

Parang Guns N’ Rose na kanta: Knocking on Heaven’s Door.
‘Yan ang Converge sa PBA Governors’ Cup.
Isang panalo na lang kontra Rain or Shine sa kanilang best-of-five semis showdown, sokpa na ang Converge sa semis.
‘Pag nagkataon, first time sa history ng franchise na sumali sa PBA ‘nung 2022.
Of course, masaya ang bossing nila and coach na si Delta Pineda na kahit vice governor ng Pampanga eh may time mag-coach sa PBA.
Parang si Yeng Guiao ng Rain or Shine na dating vice governor and congressman din ng Pampanga.
Lamang ang Converge sa serye: 2-1. Dalawang sunod na panalo after matalo sa Game 1.
Sa Friday ang Game 4.
Isa lang ang game plan ni Gov. Delta: ‘Wag nang patagalin.
Pero ayaw niya maniguro. Alam niya ang kalibre ni coach Yeng – dehins umaayaw.
“Hindi pa tapos ang laban,” sabi ni Gov. Delta.
‘Yan din ang sinasabi ni coach Yeng.
- Latest





















