^

PSN Palaro

Higanteng larawan ni LeBron James matutunghayan

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND -- Isang hi­ganteng larawan ni Le­Bron James ang muling ma­tutunghayan sa siyudad.

Inaprubahan ng planning commission ng Cleveland ang naturang artwork para sa isang bagong 10-story-high banner ng NBA superstar kung saan ang kanyang mga braso ay nakalatag at may nakasulat na ‘’Cleveland’’ sa likod ng kanyang jersey.

Ito ay isasabit sa Quic­ken Loans Arena, ang taha­nan ng mga Cavaliers.

Ang naturang Nike-spon­sored banner ay ka­muk­ha ng black-and-white ‘’Witness’’ na isinabit ng ilang taon sa labas ng bakod ng Sherwin-Williams Co.’s headquarters.

Ito ay tinanggal matapos lumipat si James para sa Miami Heat noong 2010.

Ang bagong banner ay inaasahang ilalagay ba­go ang home opener ng Ca­valiers sa Oktubre 30 laban sa New York Knicks.

 

vuukle comment

BRON JAMES

INAPRUBAHAN

ISANG

LOANS ARENA

MIAMI HEAT

NEW YORK KNICKS

SHERWIN-WILLIAMS CO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with