Umandal, Paulino inakbayan Imus sa panalo

MANILA, Philippines — Ipinakita nina Jau Umandal at team captain Marc Paulino ang kanilang husay upang akbayan ang Imus sa isang kapana-panabik na panalo kontra sa host team na Biñan City-Tatak Gel,28-26, 27-29, 25-20, 25-21, sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) men’s division na nilaro sa Colegio San Agustin Gym sa BIñAN CITY, Laguna, noong Linggo.
Nagtala si Umandal, miyembro ng Alas Pilipinas, ng game-high na 24 points mula sa 18 attacks, tatlong service aces, at tatlong blocks upang pangunahan ang bumibisitang koponan na Arsenal Maplecrest sa kauna-unahang edisyon ng liga na handog ng Strong Group Athletics.
Tumulong si Paulino sa ooensa kay Umandal sa pagtala ng 18 puntos, lahat galing sa spikes, habang nag-ambag naman si Christian Olaes ng 14 puntos kabilang ang block na nagselyo sa panalo upang tapusin sa dalawang oras at 17 minuto ang bakbakan.
Nagbigay naman si EJ Casaña ng 19 excellent sets upang gabayan ang mga Caviteño sa pagtatala ng 57 attack points.
Matapos sumadsad extend second set muling nag-ipon ng lakas ang Arsenal Maplecrest at nagpakawala ng matinding run upang makapagtayo ng 20-15 na kalamangan.
Sumagot ang Biñan ng 3-0 rally upang idikit ang laban, ngunit pinigil ng Imus ang kanilang paghahabol sa pamamagitan ng 5-2 closing blast.
“Expected naman na didikit yung Team Biñan kasi may mga players din silang experienced na, tapos home court pa nila.” Sabi ni Paulino. “Alam ko namang di sila ganoon lang na magpapatalo, so, kami mini-maintain lang namin ‘yung mga dapat gawin at ayusin ‘yung mga lax para ma-improve namin and manalo,”
Si Paul Bryan Malaiba ang nag-iisang manlalaro ng Biñan na nakapagtala ng double figures na may 15 puntos.
Nagtala ng tig-siyam na puntos sina Joshua Lagmay, Maximo Villegas, Maruen Aguelo, at Michael Doria para sa Biñan, na bigong masundan ang kanilang magandang simula matapos talunin ang Lungsod ng Santa Rosa, 25-20, 25-23, 25-18, noong Sabado.
- Latest


















