^

Ang ulilang puso

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

Ngayong Month of Love lungkot at pighati

ang sa bawat oras ay aking kalimpi;

Wala ang mahal kong sa bawat sandali --

noon ay kasama sa lahat nang gawi!

 

Batid ko na ring mahirap umibig

sa isang nilakhang kapilas ng dibdib;

Sa bawat sandali napapanaginip

ang kanyang pagtungo sa ibang daigdig!

 

Tulad nang nangyari sa buhay ko ngayon

hinahanap-hanap magandang panahon;

Sa ilog at batis doo’y naglulunoy

sa mga nasapit na bayan at nayon!

 

Sa mabangong simoy at dampi ng hangin

maraming gunita ang laging kapiling;

Sa maraming pook na aming narating

Masayang-masaya ang puso’t damdamin!

 

Kaya ang gunita ay nagpapatuloy

hanggang sa masapit ang bawa’t linggatong;

Gunita na lamang siyang dumadaloy

kaya ang pag-ibig laging sumisibol!

 

Pag-ibig ko ngayo’y aking iaalay

sa magandang mukhang Inang Pilipinas!

Pagtaas at pagbaba ng ating watawat-

siya’y ilalaban hanggang sa mautas!

 

At kung kailangang buhay ko’y ihandog

sa bagong digmaan hindi ako takot;

Pagka’t ikaw mahal ang dito’y kasangkot –

inspirasyon kita hanggang sa malagot!

ACIRC ANG BATID GUNITA INANG PILIPINAS KAYA MASAYANG NBSP NGAYONG MONTH OF LOVE PAG PAGKA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with