^
Parak utas sa ambush
Sa bangketa na tuluyang humandusay at binawian ng buhay ang pulis na si Cpl. Michael Banaag makaraang tambangan kamakalawa sa Parañaque City.
Miguel De Guzman

Parak utas sa ambush

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis matapos itong ambusin habang lulan ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod. Kinilala ang nasawi na si P/Corporal Michael Banaag, nakatalaga sa 3rd Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng NCRPO.

Sa ulat ng Parañaque City Police, dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Ibay St. East Service Road, Barangay  San Martin De Porres,  Pa­rañaque City. Sa imbestigasyon, nakasuot ng camouflage na uniporme at naka-helmet ang biktima na papauwi umano ng bahay mula sa duty nito sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City  na habang binabagtas ng biktima ang East Service Road sakay ng kulay gray brown niyang motorsiklo nang biglang dikitan ng mga suspek na pawang sakay din ng mga motorsiklo at sabay-sabay na pinaulanan ng putok ang biktima.

Dahilan upang mawalan ng balanse ang biktima at nabangga ang motorsiklo niya sa bangketa at tuluyang bumagsak na nakadapa. Dalawa sa gunmen ang bumaba pa ng motorsiklo  at nilapitan pa ang biktima para tiyaking  patay ito bago sila humarurot papalayo sa north direction ng service road.

Ayon pa sa impormasyon ng pulisya, ang biktima ay matagal na naging operatiba ng Anti-illegal Drug team sa Manila Police District (MPD). May natatanggap na rin umanong ilang death threats ang biktima bago pa ito ma-assign sa NCRPO.

NCPRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with