^

PSN Palaro

NU kinana ika-3 sunod na panalo sa Shakey’s Super League

Philstar.com
NU kinana ika-3 sunod na panalo sa Shakey’s Super League
Iniskoran ni Cham Maaya ng NU sina Ramyshane Antang at Neriza Bituin ng Arellano sa SSL Unity Cup.
(SSL photo)

MANILA, Philippines -- Winalis ng five-peat-seeking National University ang Arellano University, 25-12, 25-16, 25-14, para sa ikatlong sunod na ratsada sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Solo ng Lady Bulldogs ang liderato sa Pool A sa torneong itinataguyod ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R&B Milk Tea.

Pumalo si Chams Maaya ng 10 points mula sa anim na attacks, dalawang aces at dalawang kill blocks para pamunuan ang four-peat champions na lumapit sa pagdakma sa isang playoffs seat.

“Nagpo-focus kami sa sarili namin kung paano pa namin mai-improve ang skills namin kasi every game, every set, every point ay kailangang mag-improve kami,” sabi ni Maaya.

Nagdagdag si Celine Marsh ng walong puntos at may pito at anim na puntos sina Arah Panique at Denesse Daylisan, ayon sa pagkakasunod.

Bagsak ang Lady Chiefs sa 1-2 record a torneong suportado ng Smart, PusoP.com DICT, Executive Optical, Milo at Summit Natural Drinking Water.

Kinuha ng Arellano ang 11-7 abante ssa second set matapos ang offspeed attack ni Samantha Maranan.

Ngunit humataw ang NU ng siyam na sunod na puntos tampok ang kill ni Daylisan para ilista ang kanilang 16-11 bentahe patungo sa 25-16 panalo at kunin ang 2-0 kalamangan sa laro.

Itinuloy ng Lady Bulldogs ang ratsada sa third set sa pagtatala ng 20-9 bentahe na hindi na napababa ng Lady Chiefs.

Umiskor si Maranan ng anim na puntos at may tig-limang marka sina Aleah Alipan at Keisha Abitria.

SHAKEYS

SSL

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with