^

Dr. Love

Maligaya ang Pasko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakakabigla lang po kasi nag-ayang kumain ang nililigawan ko. Ang buong akala ko sasagutin na niya ako, tatlong araw bago ang birthday niya. Na-excited nga ako ng mag-date kami.

Naghanda talaga ako, bumili pa ‘ko ng magarang damit at sapatos kasi ayaw kong may masabi siya sa akin. Mabuti at may naipon ako para sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Magkita raw kami sa MOA, alas singko ng hapon sa food court. Tuwang-tuwa ako, kumain kami ng paborito niyang pizza at lasagña. Kinakabahan ako kung ano ang sasabihin niya.  Hindi ko akalaing sasagutin niya ako nung gabing ‘yon, sa kabila ng kalagayan at kapansanan ko. Putol kasi ang kaliwa kong kamay, kaya ako pa ang inaalalayan niya. Hindi naman grabe ang kapansanan ko, sadyang putol na since birth ang kamay ko.

Sinabi niya na hindi dahil sa naaawa o sa anumang bagay kaya niya ako sinagot, kundi dahil mahal na nga niya ako. Masipag daw akong manligaw at hindi ko raw tinitingnan kung may kulang sa akin.

Masaya ako, Doc. Sakto magpapasko may girlfriend na ako. Maraming  salamat po.

JB, Parañaque

Dear JB,

Una sa lahat congrats. Para kang tumama sa lotto. Ganyan ang naiisip kong kasiyahang nararamdaman mo. Anyway, basta tuloy mo lang ang tamang pakikitungo mo sa iyong gf. Ang pa-nunuyo mo sa kanya at sweetness. Hindi mo mamamalayan na matagal na ang relationship ninyo.

Ganyan nga! Kahit may kapansanan ka, hindi mo tinignan ‘yon, sa halip may self-confidence ka. Enjoy!

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

JB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with