22,820 bagong COVID-19 cases naitala ngayong araw sa 'Pinas, bagong record-high
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 22,820 bagong infection ng coronavirus disease, Huwebes, kung kaya't nasa 2,161,892 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 2,161,892
- nagpapagaling pa: 166,672, o 7.7% ng total infections
- bagong recover: 12,337, dahilan para maging 1,960,487 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 61, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 34,733
Fully vaxxed na nagka-COVID sa 'Pinas kakarampot
-
Panibagong single-day record high uli ang naitala ng Pilipinas para sa new COVID-19 cases (22,820) ngayong araw. Nahigitan na nito ang pinakamataas na bilang noong ika-30 ng Agosto, 2021.
-
Ibinalita naman ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong araw na tanging 0.0017% lang ng 13.8 milyong full vaccinated laban sa COVID-19 ang tinamaan ng virus sa Pilipinas. Ani FDA director general Eric Domingo, tanda ito na gumagana ito bilang proteksyon laban sa COVID-19 sa nakararami.
-
Aabot naman sa 122 bata at personnel ng Gentlehands Orphanage sa Quezon City ang naiulat na nagpositibo sa COVID-19, pag-uulat ng QC local government ngayong araw.
-
Kinansela naman ng Professional Regulation Commission ang Physician Licensure Exams nito sa ngayong buwan sa Metro Manila sa gitna ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Gayunpaman, tuloy ito sa ibang bahagi ng bansa.
-
Binabanatan naman ngayon ng ilang showbiz personalities gaya nina John Arcilla at Ogie Diaz ang pag-una ng ilang pulitiko ngayon sa eleksyon bago ang COVID-19 pandemic. Habang nagtataasan ang kaso, marami kasi ang nag-anunsyo ng kanilang mga kandidato kahapon.
-
Umabot na sa 221.64 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.58 milyong katao.
— James Relativo
- Latest