Dapat Bang May Joint Bank Account ang Mag-asawa?
• Bilang mag-asawa pareho na kayong kumikita ng salapi para sa pamilya. Kaya para sa akin mayroon dapat joint account ang mag-asawa. Hindi ito dahil para malimitahan ang gastos ng isa kundi para magsanib puwersa para sa mga gastusin sa bahay. Nararapat ito para may common fund ang pamilya habang bata pa ang kanilang mga supling. – Tristan, Caloocan
• Hindi masama ang joint bank account. Pero para sa akin, nalilimitahan ang ating paggastos kung may joint account kaya hindi ako pabor dito. Puwede namang maglabas ng magsindaming pera ang mag-asawa kung kakailanganin nila. Dapat patas. Hindi tulad ng nangyayari kadalasan sa mga joint account ay nalalamangan minsan ang isa. – Jeremy, Cavite
• Depende naman ito. Maaaring mag-joint account kung kaya pa ng budget ng mag-asawa. Hindi naman kasi maaaring mawala ang personal account kaya naman ang pagkakaroon ng joint bank account ay isa na lamang backup. Kung may pag-iipunan din na gastos ng pamilya maaaring kunin ito sa joint bank account. – Richard, Batangas
• Mahirap ang joint bank account. Naloko na ako dati ng misi ko riyan eh. Paano ba naman, pasok ako nang pasok ng pera siya naman labas nang labas. Dahil nga pareho kaming nakapangalan sa aming joint account maaari rin siyang gumawa ng mga transaksyon. Kaya naman ang inabot namin, heto at puro utang na. – Eugene, Ilocos Norte
Okay lang sa akin ang joint bank account basta ba pareho kami ng ilalagay na pera. Kahit pa sabihing mag-asawa kayo, dapat ay pantay ang ipinapasok n’yong pera rito. Pero sa kaso ko na isang seaman, ok sa akin ang magkaroon ng joint bank account dahil ayoko namang pagtarabuhin si emsi. Kaya ok lang kahit ako lang ang kumakayod. – Rowel, Baguio
- Latest




















