^

Pang Movies

Joyce, maraming distress sa pagbubuntis

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinakamahirap na parte raw ng pagbubuntis ni Joyce Pring ay ang ika-third trimester na tinawag niyang “the toughest one yet” dahil nakaranas siya ng sobrang distress.

Sey ni Joyce sa kanyang podcast: “When it rains, it really pours. We’ve had health concerns, dog concerns, electricity concerns, and many more that at one point I was just crying every night out of anxiety and frustration.”

Lagi namang nasa tabi ni Joyce ang mister niyang si Juancho Triviño. Sa recent post nito sa Instagram, in-announce nito na nasa ika-37th week na si Joyce sa pagbubuntis nito.

“Our baby boy is now officially full term. Praise the Lord! Just a matter of time before we meet him,” sey ni Juancho na puwede nang batiin ng Happy Father’s Day.

Ruru at Bianca, dinadaan sa video call ang pagkatigang

Hindi nababahala sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa kanilang relasyon kahit na matagal na silang hindi nagkikita dahil sa kanilang lock-in tapings.

Naunang na-lock-in ng ilang buwan si Bianca para sa teleserye na Legal Wives. Kung kelan patapos na sila, si Ruru naman ang mala-lock-in para sa taping ng pagbibidahan niya na Lolong.

Dinadaan na lang daw ng dalawa ang pagkatigang nila sa isa’t isa sa pamamagitan ng video call. Ang importante raw ay priority nila ang kanilang trabaho. “Kami naman pong dalawa, ang number one priority is work. Right now, parehas kami nabibigyan ng magagandang projects, that’s why naka-focus kami dito. But at the same time, hindi namin napapabayaan ang mag-usap kahit papaano,” sey ni Ruru.

Hindi raw isyu sa kanila ang matagal na hindi nagkikita.

vuukle comment

JOYCE PRING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with