Ang marangyang kasalan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

SIYA ang poging groom na nakatakdang ikasal nang araw na iyon. Dapat sana ay masaya siya ngunit kabaliktaran ang nadarama niya—lungkot at galit. Inayos niya ang sarili. Naghihintay ang kanyang mahal na bride sa isang 5-star hotel kung saan gaganapin ang wedding ceremony at reception. Hindi dapat siya ma-late.

Tatlong buwan bago ang kasalan ay nag-aplay siya ng loan sa banko ngunit na-delayed ang bank approval kaya pumayag ang nobya na kanya munang credit card ang gagamitin sa lahat ng gastusin, mula wedding reception hanggang plane ticket para sa honeymoon.

Masaya ang naging kasalan kaya bilang pasasalamat ng groom sa mga bisita ay may ini-announce siya:

“Mga kaibigan maraming salamat sa inyong pagdalo sa aming pag-iisang dibdib. Bilang pagtanaw ng utang na loob, mayroon akong sorpresa sa inyo. Sa ilalim ng inyong mga upuan ay may nakadikit diyan na envelop. Maaari na ninyong tanggalin ito at buksan.”

Dali-daling binuksan ng mga bisita ang envelop. Gumuhit ang matinding pagkagulat sa mukha ng lahat ng bisita. Ito ay isang litrato kung saan magkapatong at nagtatalik sa ibabaw ng kama ang bride at ang best man. Ilang buwan bago ang kasalan, nakahalata na ang groom na may namamagitang “something” sa kanyang nobya at best friend na kinuha niyang best man.

Kumuha siya ng secret agent para pasubaybayan ang kanyang nobya at best friend. At iyon nga ang bumulagang katotohanan sa kanya: kinakabit ng kanyang best friend ang kanyang nobya. Ilang gabi rin niyang iniyakan iyon ngunit inayos niya ang sarili at nag-isip ng paraan upang makaganti.

Drama lang niya na hindi pa naaaprubahan ang kanyang loan sa banko. Hinayaan niyang ang nobya ang magbayad ng lahat ng gastusin sa kasalan. Nagsalita ulit ang groom sa microphone. Hinarap niya ang kanyang nobya at best man.

“Sinorpresa kasi ninyo ako, nakakahiya naman sa inyong dalawa kung hindi ko kayo gagantihan ng isa rin sorpresa. Sorry Honey, sosolohin mo ang pagbabayad ng mahigit na $100, 000 dahil bukas na bukas din ay aasikasuhin ko ang diborsiyo nating dalawa.”          

 

RECEPTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with