Cinderella Story (Part 3)
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - August 31, 2019 - 12:00am

NOONG May 1, 2019, ikinasal ang hari ng Thailand na si King Maha Vajiralongkorn sa kanyang longtime partner na si General Suthida Tidjai na tinatawag na ngayong Queen Suthida.

Marami ang nasorpresa sa naturang kasalan dahil alam ng lahat na kahit kailan hindi pinapaboran ng royal palace ang relasyon ng dalawa. Si Queen Suthida ay nagtatrabaho bilang flight attendant ng Thai Airways. Nang umalis sa Thai Airways ay pumasok siya sa military at naging commander ng Royal Thai Aide-de-Camp Department. Naka-assign siya bilang isa sa mga security aide ni Vajiralongkorn, na noon ay prinsipe pa lamang.

Wala masyadong detalye sa kanilang love story dahil ipinagbabawal sa Thailand na pag-usapan ang pribadong buhay ng mga miyembro ng Thai royal family. Tatlo ang naging asawa ng hari na nauwi sa diborsiyo bago niya pinakasalan si Queen Suthida.

(Sources: Wikipedia; www.insider.com)

CINDERELLA STORY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with