^

Punto Mo

Tres Queridas (2)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BUMAGAL ang ikot ng mundo para kay Diana matapos banggitin ng babae sa harap niya ang pangalang Carlo Evangelista. Magkaparehas ang pangalan ng kanilang mister. Maraming bagay agad ang tumakbo sa isipan ni Diana. Pinagmasdan niya ang babae. Nakasuot ito ng mamahaling tweed jacket at designer handbag. Halatang mayaman ito. Umiling si Diana. Imposible. Ayaw ni Carlo sa masyadong sosyal.

Pilit pinakalma ni Diana ang sarili. Walang dahilan para mag-isip siya nang masama dahil posible naman na dalawa ang Carlo Evangelista na pasahero ng barko. At isa pa, ang mas mahalaga ngayon ay mahanap ang kanyang mister.

Nakatayo si Diana ilang hakbang mula sa babae, hinihintay itong matapos sa pakikipag-usap sa staff ng shipping line.

“Mam, paki-check po muna kung na-rescue na ang asawa ko,” mahinahong pakiusap ni Diana sa staff nang bahagyang lumayo ang babae­. “Carlo Evangelista po ang pangalan niya.”

Lumingon ang babae kay Diana. Hinubad nito ang sunglasses at pinagmasdan si Diana mula ulo hanggang paa.

“I’m sorry, did you say Carlo Evangelista?” tanong ng babae, bahagyang kumunot ang noo. “I’m Celeste. Celeste Vergara-Evangelista. It’s so weird our husbands have the same name.”

“Oo nga eh,” sagot ni Diana habang nakangiti, bagaman nandoon pa rin ang kaba sa kanyang dibdib. “Sobra akong nag-aalala sa kanya kasi, Ala-sais pa ng umaga yung huli niyang message sa akin.”

Natigilan si Celeste. Unti-unting nawala ang pagiging suplada sa kanyang mukha at napalitan ng pagtataka.

“Six a.m. din yung huli niyang text sa akin,” mabagal na sabi ni Celeste. Dahan-dahan nitong iniharap ang kanyang cell phone kay Diana para ipa­kita ang huling message nito sa Messenger app.

Dahil sa Messenger app ito, kita sa taas ng screen ang profile picture ng asawa ni Celeste.

Nawalan ng boses si Diana. Ang lala­king nasa litrato ay ang lalaking humalik sa noo niya kaninang umaga.

(Itutuloy)

CARLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with