^

Punto Mo

Utol (120)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INILIBOT ni Gerald si Xander sa kabuuan ng asucarera. Manghang-mangha si Xander sapagkat parang walang katapusan ang pag­lalakbay nila sa malawak na taniman ng tubo. Kahit saan tumingin ay pawang tubuhan ang nakikita niya. Berdeng-berde ang kapaligiran.

“Matagal pa ba bago anihin ang mga tubo, Utol?’’ tanong ni Xander.

“Oo. Kapag nagkulay brown na mga yan saka tatabasin. Mga sakada ang tawag sa mga nagtatabas ng tubo. Pagkatapos tabasin, ikakarga sa truck ang mga tubo at saka dadalhin sa pigaan.’’

“Marami palang proseso ang pagdaraanan bago magkaroon ng asukal ano, Utol?’’

“Oo.’’

“Kailangan talaga mapag-aralan ko ‘yan. Gusto ko lahat nang pasikut-sikot sa asyenda ay matutuhan ko. Basta alalayan mo ako Utol.’’

“Oo. Madali mong matu-tuhan yan dahil naniniwala ako na nasa dugo natin ang husay sa negosyong ito na sinimulan ni Papa.’’

“Palagay ko nga Utol. Ngayon pa nga lang gusto ko nang magsimula para maa-lagaan ang negosyo natin. Makakaya ko ito. ’’

Napangiti si Gerald. Nana­nalaytay talaga sa dugo ni Xander ang pagkasigasig na katangian ng kanilang ama.

“Halika, doon naman tayo sa gawaan ng banana chips. Itong banana chips na ito ay talagang sariling pormulasyon ni Papa. Gumawa siya ng iba’t ibang flavor at pumatok sa market. Ito ang kauna-unahang flavored banana chips sa Pilipinas. At sa iyo ito iniwan ni Papa.’’

“Kaya ko ‘yan Utol. Mahilig din ako sa banana chips noong nasa high school. Kaya lang sa Liliw ay mas paborito ang uraro at shing-aling.’’

“Ano yung shing-aling, Xander?’’

“Fried crackers na singlaki ng hinliliit at sinasawsaw sa suka. Masarap yun, Utol.’’

“Talaga? Pagpunta natin ng Liliw, bili tayo.’’

“Oo.’’

“Halika at itong gawaan ng banana chips ang bisitahin natin.’’

Sinalubong sila ng mga trabahador sa pabrika ng banana chips.

Ipinakilala ni Gerald si Xandcr sa mga superbisor at trabahador.

“Siya si Xander, kapatid ko. Siya na ang mamama-hala ng pabrika.’’

Nagpalakpakan ang mga trabahador bilang pag-welcome kay Xander.

Nagpasalamat naman si Xander sa mainit na pagtanggap sa kanya.

Pumasok sila sa planta. Noon lang nakakita si Xander nang napakaraming banana chips. Pawang pang-eksport pala ang mga yun. Mataas ang quality. Hangang-hanga si Xander sa bilis gumawa ng mga trabahador. Mula sa pagbabalat ng saging, paghiwa at ang pagluluto. Pawang mga bago ang kagamitan sa planta.

‘‘Ganun pala ang paggawa ng banana chips Utol.’’

“Nakakamangha ano?’’

‘‘Oo. Hanga ako.’’

“Halika tikman mo ang banana chips para malaman mo kung gaano kasarap.’’

(Itutuloy)

UTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with