Batang lalaki na may malubhang sakit, pinagaling ni Padre Pio (Part 1)
PITONG taong gulang si Matteo Pio Colella nang tamaan ng acute fulminant meningitis. Napakadelikadong sakit na likha ng bacteria.
Sabi ng mga doktor, wala nang pag-asang makaligtas ang bata. Subalit dahil sa intercession ni Padre Pio, gumaling si Mateo sa nakamamatay na sakit.
Ang himalang ginawa ni Padre Pio kay Mateo ang naging daan para sa canonization ni Padre Pio noong Hunyo 2002. Pinangunahan ni Pope John Paul II ang canonization.
Si Mateo, 27-anyos na ngayon ay nagkuwento ng mga nangyari nang pagkalooban siya ng himala ni Padre Pio.
Ayon kay Mateo, una niyang naranasan ang sakit isang umaga na papasok siya sa school. Noon ay Enero 20, 2020. Sinabi niya sa ina hindi siya papasok sapagkat masama ang kanyang pakiramdam.
Ang akala umano ng kanyang ina ay nagdadahilan lamang siya sapagkat lagi nang ganun ang dinadahilan kapag tinatamad pumasok sa school.
Hindi siya napilit ng ina na pumasok.
Kinagabihan, nang matutulog na umano si Mateo ay pumasok sa kanyang kuwarto ang ina para mag-“goodnight”. Subalit hindi umano nakilala ni Mateo ang ina.
Dahil sa nangyari, agad na isinugod sa ospital si Mateo. Sa isang ospital na tinatag ng Padre Pio foundation, ang Casa Sollievo della Sofferenza siya na-admit. Na-diagnosed siya na may acute fulminant meningitis. Naapektuhan na ang kanyang kidneys, respiratory system at nagkaroon ng blood clotting.
Kinabukasan, na-comatose si Mateo. Sabi ng mga doktor, maaring mamatay si Mateo anumang oras. (Itutuloy)
- Latest




















