^

Punto Mo

296 na mga aso, sabay-sabay lumangoy para sa Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HALOS 300 aso ang nagsama-sama sa isang water park sa Las Vegas, Nevada para sa isang record-breaking pool party na isinagawa bilang bahagi ng National Dog Week.

Ang record breaking event na tinawag na “Doodle­palooza” ay naganap noong Setyembre 27 sa Cowabunga Vegas water park at inorganisa ng We Love Doodles katuwang ang Doodle Rescue USA. Umabot sa 296 aso ang opisyal na nabilang, dahilan upang makuha ng We Love Doodles ang Guinness World Records title na “most dogs attending a dog pool party.”

Nalampasan nila ang dating record na 276 aso na naitala ng Chewy sa isang dog pool party sa Coral Gables noong Mayo ngayong taon. Bagama’t “Doodlepalooza” ang pangalan ng event, hindi lamang mga asong doodle ang pinayagang dumalo. Bukas din ito sa lahat ng breed ng aso.

Ang “doodle” ay karaniwang tawag sa mga mixed-breed dog na may poodle lineage, gaya ng Goldendoodle at Labranoodle, na kadalasang kilala sa kanilang kulot na balahibo.

Sa loob ng 41-acre water park, malayang nakapaglaro ang mga aso sa wave pool, kiddie area at mga damuhan. Mayroon ding pet-friendly booths, giveaways, food at treats para sa mga dumalo. Nagkaroon din ng swimwear competition kung saan rumampa ang ilang aso suot ang kanilang costumes. Ang nanalo ay kinoronahang Miss Doodlepalooza at binigyan ng sash at tiara. Bukod sa Guinness World Record, nangalap din ito ng pondo para sa Doodle Rescue USA, na tumutulong sa mga asong nangangailangan ng grooming, foster homes, transportation, behavioural assessment at adoption services. Ayon sa organizers, nais nilang pagsamahin ang community event at animal advocacy habang nagbibigay ng pagkakataon sa mga pet owners na magsaya kasama ang kanilang mga aso.

Matapos ang event, namigay din ang organizers ng shampoo, conditioner at iba pang pet-care items upang malinis ang mga aso bago sila umuwi.

DOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with