Matibay at ligtas na pabahay siguruhin-PBB Partylist
Rudy Andal (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ng Partido ng Ba­yan ang Bida (PBB) Party­list na siguraduhin na matibay ang konstruksyon ng mga government housing unit kasunod ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila at Central Luzon kamakalawa.

Sinabi ni PBB Partylist 1st nominee Atty. Imelda Cruz, mahalagang masiguro na ligtas at matibay ang mga pabahay ng gobyerno gayundin ang ibat ibang instraktura kasunod ng 6.1 lindol na naging dahilan ng pagguho ng isang 4-storey na supermarket sa Porac, Pampanga na ikinasawi ng tatlong katao rito  habang 2 katao rin ang namatay sa Lubao matapos mabagsakan ng gumuhong pader kamakalawa ng hapon.

Isusulong ng PBB sa Kongreso ang mura, disente at abot-kayang pabahay sa mga Filipino kasunod ng ulat na mahigit 6 milyon ang backlog ng gobyerno sa housing units.

PARTIDO NG BA­YAN ANG BIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with